My Family's Summer Escapade


April 16, 2016. Una kaming pumunta sa Pagsanghan, Samar para bisitahin ang lugar kung saan lumaki ang Lolo namin. Ang Pagsanghan, Samar ay malayo at sa pinakaloob pa. Baku-bako din ang daan at mayroon din namang inaayos na daan para hindi na mahirapan ang mga pupunta roon. Nakilala pa namin ang iba pa naming mga kamag-anak sa lugar na iyon. Pinaghandaan din nila kami ng makakain, kaya nagkaroon ng unting pagsasalo sa bahay ni Ate Cathy. 

Akala nga daw nang mga taga-roon ay mangangampanya daw kami kasi apat na sunod-sunod na kotse ang dumating, kung saan kami nakasakay. Noong araw kasi na yun ay kasagsagan ng pangangampanya, kaya siguro akala nila ay mangangampanya kami.

Noong pauwi na kami, huminto kami sa isang open-view na lugar kung saan makikita ang mga naggagandahang bundok. Magdidilim na rin kaya kita na ang buwan.





Kanya-kanyang kuha ng mga litrato ang bawat isa, nagpakuha din ng litrato ang mga tito at tita ko sa Lolo namin. Naabutan na kami ng dilim noong pauwi na kami, at pagkauwing-pagkauwi namin ay naghanda na kami para sa Sunday service kinabukasan.

Pangalawa naming pinuntahan ay ang San Antonio Island, Northern Samar, Philippines noong April 18, 2016. Mula Tambungan, Samar hanggang sa San Isidro ay umabot ng 3-4 oras ang biyahe. Hindi na kami nag-abala pang mamasahe kasi may kanya-kanya naman kaming mga sasakyan.

Pagkadating namin sa San Isidro, inarkila namin ang isang malaking bodega. Sa loob kasi nito ipaparada ang mga sasakyan na ginamit namin, dahil kinabukasan pa kami uuwi. Nag-arkila din kami ng dalawang malaking bangka, hindi kasi kami kakasya sa isang bangka lang. Ang isang bangka ay 500 pesos isa, sa kabuuan, ang binayaran namin ay 1000 pesos para sa dalawang bangka.



Habang papunta na sa San Antonio Island, hindi kami nainip kasi nakikita namin ang mga bundok, ang napakalawak na dagat at ang mga iilang barko na dumadaong sa San Isidro. Napakaganda ng napakalawak na dagat, masarap din ang malakas at malamig na hangin. 



Ang biyahe namin sa bangka ay tumagal halos nang isa't kalahating oras. Pero ayos lang kasi napakaganda naman ng buong karagatan. Pagkadating namin sa San Antonio, inaantay na kami ng iba pa kasi nauna silang umalis saamin. 





Pagkadating namin sa San Isidro ay puting buhangin ang bumungad samin. Puting buhangin at malinaw na dagat. Pagkatapos nilang magbayad sa bangkero, nagbayad ulit kami ng panibago para sa mga pedicab na sasakyan namin papunta mismo sa resort. 


Habang kami ay nasa kalsada papunta sa resort, hindi namin maiwasang mamangha dahil sa katahimikan nang buong paligid na tanging mga huni ng ibon lamang ang maririnig mo. Napakalinis din ng buong kalsada, nakakatuwa na napapanatili nila ang kalinisan sa buong lugar kahit na maraming turista ang nadayo sa naturang isla.

Haven of Fun Beach Resort, ang pangalan ng resort na pinagliguan namin. May mga kubo, at mga kwarto din na may aircon at walang aircon. Ang kinuha namin ay mga kwarto kasi kinabukasan pa ang uwi namin. 


May mga katabi ring resort ang Haven of Fun Beach Resort. Dinayo din ng mga tao ang bawat resort, isa rin doon ay ang resort kung saan kami nanatili. 

Maganda ang beach resort na iyon dahil na rin sa puti nitong mga buhangin. At isa pa ay malinis ang buong lugar, maliban na lamang sa mga seaweeds na nagkalat galing sa dagat. Pero sa kabuuan, napakaganda ng paligid. Kaya pagkalapag namin ng mga gamit ay nag-swimming na agad kami. Nagluto na rin sila ng mga pagkain para sa aming miryenda at kakainin sa kinagabihan.

Kahit na aminado kaming gutom na kaming magpipinsan dahil sa mahabang biyahe, nagligo agad kami sa dagat dahil na rin sa excitement na nararamdaman namin. Pagkalapag na pagkalapag namin ng aming mga bagahe sa kanya-kanyang kwarto ay naligo na agad kami sa dagat.





Hindi namin alintana ang kagutuman dahil sa excitement na nararamdaman naming magpipinsan.



Sa gilid naman ay may isang malaking kahoy na pakahon, at may mga upuan ito. Meron ding makapal na lubid ang nakatali dito na pwedeng hilahin para lumayo ng kaunti sa pampang. 



Nung unang sakay ko roon ay natatakot ako kasi baka mahulog kami, malakas na rin kasi ang alon at hangin noong hapon na iyon. Pero noong makalayo na kami unti sa pampang, nakaka-enjoy kasi kasama ko ang mga pinsan kong babae sakay nito.

Kinabukasan, maaga kaming gumising para makita ang pagsikat ng araw. Napakaganda, nakakatuwa at napakatahimik ng paligid noong umagang iyon. Umupo ako sa buhanginan at dinama ang sikat ng araw.


Pati na rin ang mga tito at tita ko ay gumising ng maaga para masilayan ang pagsikat ng araw.



Napakagandang pagmasdan ang unti-unting pagsikat ng araw. Ang pagsilip nito mula sa kalayuan ay napakagandang pagmasdan at nakakamangha. Nakakamanghang tunay kasi napakaganda ng likha ng Panginoon.


Dahil sa medyo maaga pa yun, napakatahimik ng paligid. Marahil ay umuwi na nung gabi ang ibang naroroon. Tanging ang pag-agos ng dagat lamang ang maririnig mo, at madadama mo ang malamig na hangin. 


Kung tatanawin sa malayo ang buong Haven of Fun Beach Resort noong umaga na iyon ay napakaganda talaga. Dahil na rin sa tahimik at napaka-kalmado ng buong karagatan. 

Dahil sa uuwi na kami sa kinahapunan, sinulit na namin ang buong oras na natitira. Ang aking Daddy at ang aking Tito ay naisipang mamingwit ng isda sakay noong kahoy na may mga upuan.


Kami namang magpipinsan ay naisipan nang sulitin ang pag-swimming kasi aalis na din kami agad sa hapon. Low tide pa noong umaga at napakalamig ng tubig kaya napakasarap talaga magtampisaw. Hanggang sa magtanghali na at napakainit na ng sikat nang araw, patuloy parin kami sa pag-swimming. Talagang nilubos-lubos na namin ang mga oras na natitira namin sa resort na yun.



Talagang napakainit na nung mga oras na iyon, pero hindi yun nakapigil saaming magpipinsan. Uunti nalang din ang mga taong nasa resort noong tanghali. Hindi ma-tao ang resort simula nung dumating kami doon hanggang sa magtanghali kinabukasan, kaya napakasarap matulog at mag-relaks rito.



Ang iba naming pinsan, mga tito at tita ay naglaro ng volleyball kung saan may lugar na pwedeng maglaro. Ang iba nama'y natulog dahil na rin sa kapaguran sa kakalangoy, at kami naman ay patuloy parin sa paglangoy kahit na tirik na ang araw. 




Tirik na tirik na ang araw pero napakaganda parin ng paligid, dahil na rin sa puting buhangin. Mainit dahil sa tirik na araw, pero malamig ang simoy nang hangin mula sa dagat.



Pagkatapos naming kumain ng tanghalian, nagpahiya muna kami saglit. Maya-maya pa ay umalis na kami. Pagkadating namin sa sakayan ng mga bangka, inantay pa naming dumating yung dalawang bangka na inarkila namin. 

Isang bangka palang ang dumating kaya nauna na ulit ang iba samin. Nakauwi kami sa bahay ng Tito ko ng pagod pero sobrang saya.

Pagkatapos naming magpahinga ng buong araw galing sa nakakapagod na biyahe at swimming sa San Antonio Island, kinabukasan ay umalis ulit kami para sa panibagong lugar na pupuntahan at pagliliguan.

Pangatlong pinuntahan nang pamilya namin ay ang Villa Escober Cold Spring Resort noong April 19, 2016. Malayo din siya katulad sa San Antonio Island, pero hindi na kailangan pang sumakay ng bangka papunta roon. Ang resort na ito ay matatagpuan sa Catbalogan, Samar, Philippines.

Malayo-layo rin ang biyahe kaya umaga palang ay umalis na kami para hindi abutin ng hapon o gabi sa daan. Umabot ng halos 2-3 oras ang biyahe papunta roon, dahil na rin sa stopover namin at dahil rin sa traffic na nadadaanan namin.

Pagkadating namin sa resort ay wala pang mga tao, kumbaga maaga kaming nakapunta. Dahil ulit sa excitement naming magpipinsan, pagkalapag namin ng mga bag namin ay pumunta agad kami sa gilid nito. 

Napakatahimik ng buong resort, dahil na rin siguro kami palang ang tao. Napakalinis, walang kalat sa paligid. Pati na rin ang tubig, napakalinis at napakalinaw. Nakakamangha kasi ang linis-linis talaga ng tubig, para bang hindi pa naliliguan nang kahit na sino. 




Nung lubog namin sa tubig, sobrang lamig! Napakalamig talaga. Parang tubig na nilabas galing sa refrigerator ang lamig niya, para nga ding may yelo ang tubig dahil sa lamig nito. Kahit isang daliri lang ang ilubog mo, mararamdaman mo talaga ang lamig sa buo mong katawan. Ang tubig daw ay nanggagaling sa loob nang parang maliit na kweba.


Sa kabilang parte ay may space at may lamesa na kung saan pwedeng tumambay sa ilalim ng puno. May hagdan din ito pababa sa tubig. Kahit na 


Unti-unti kaming lumubog sa tubig para mag-adjust ang katawan namin sa lamig ng temperatura ng tubig. Nang unti-unti ng makapag-adjust ang katawan namin sa tubig, halos hindi na kami umaahon. Bakit? Kasi kapag umahon pa ulit kami, muli na namang mag-aadjust ang katawan namin sa lamig ng tubig.




Pagkatapos naming kumain ng tanghalian ay muli kaming nag-swimming, makalipas ang dalawang oras ay napagod na kami kaya napagpasyahan na naming magbanlaw kasi uuwi na din naman na kami. 

Sa loob ng isang linggo na bakasyon namin sa Samar, masasabi ko na yun ang pinaka hindi ko makakalimutan sa lahat. Kasi yun ang unang beses na nagbakasyon ang buong pamilya kahit na hindi na namin kasama ang Lola namin. At masasabi ko na yun din ang pinakamasaya sa lahat kasi yun ang huli naming bakasyon kasama ang Lolo namin.

-

Happy Reading :)





Comments

  1. ang bakasyon patungo sa mgagandang likha ng Panginoon kasama ang iyong mga mahal sa buhay ay tunay ngang isang gintong alala. Napakainam ng pagkasulat ;) Pagpalain kapa ng lubos :)

    ReplyDelete
  2. Missing those moments, sa uulitin :)

    ReplyDelete
  3. i love it 🤗 and i miss samar and i miss u guys 💕

    ReplyDelete
  4. Masaya talaga ang bakasyon pag kasama ang pamilya :) Very nice Nicole, thanks for sharing ^_^

    ReplyDelete
  5. Looking forward to visit those tourist spots soon as well :)

    ReplyDelete
  6. obligatory comment from their adviser lol 😂🤣

    ReplyDelete
  7. napaka ganda ng place so refreshing

    ReplyDelete
  8. Isang magandang pagpapakilala sa tinatagong ganda ng Samar. Napakasaya at napakaganda nga kung iisipin na maglakbay kasama ng mga mahal mo sa buhay sa isang mala-paraisong ganda ng mga tanawin. Kakaiba at bago sa aking paningin.

    ReplyDelete
  9. wow ang ganda naman dyan

    ReplyDelete
  10. wow ang ganda naman ng lugar na ito

    ReplyDelete
  11. Nice blog! Hope to hear more in the future :)

    ReplyDelete
  12. nice. these are some of the not so hidden treasures of Samar. ilove the places!

    ReplyDelete

Post a Comment